Minsan, kailangan mo ring ipagsiksikan ang mga bagay bagay.. Charot. Quiz kanina sa Physics. Hindi ako pumasok ng PE para lang makapag-review sa quiz 2 ko.
Nadalian akong sagutan yung mga tanong sa problem solving. Bale, 20 points na sana kaagad ako dahil sa 1st question. Pero nung may nagtanong sa klase, bigla akong nalito. Nagbago ng mga sagot, at kung anu-ano pa.
Natapos ko ng maaga yung quiz kasi maikli lang naman yung coverage. At alam ko namang nakapag-aral ako para sa quiz na yun. Kaso mali eh. Sobrang mali ako kasi binago ko pa yung sagot ko.
Paglabas ko ng room, tinignan ko kaagad yung examples sa notebook. SHIT. May dalawa na akong mali. Yung isa, tama na eh. Binura ko pa yung dapat na sagot. Pangalawa, yung sagot ko, kulang ng ^2 sa unit. NAKAKAPANGHINAYANG. Pareho silang 20 points at sa bawat mali na yun, nawalan ako ng pag-asang mataas ang makukuha kong grade.. Mali ako.. Akala ko, alam ko na yung ginagawa ko. Pero nagpadala ako sa uncertainties ko. Nalito, nablanko, na-brain dead… Ayan tuloy, nagsisisi ako ngayon.. *cries*
Kwinento ko yun sa ate ko.. Sabi niya.. “O, anong gagawin mo ngayon?” Ano bang dapat sabihin? E di sinabi ko nalang.. “Babawi ako sa project, quiz 3 at finals.” Babawi ako. (Tho hindi ko pa nakikita grade ko sa quiz 2 ko. Mmh~ I’ll just hope for the besttttt.) Ohhhh. Good luck to meeeehhh.
#college #physics #daily rants



